^

Police Metro

Architect nahulog sa elevator

Mer Layson - Pang-masa

Inakalang pinto ng banyo...

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 37-anyos na arkitekto matapos itong mahulog mula sa “elevator shaft” na nasa ikatlong palapag ng isang gusali sa Araneta Center, Cubao, Quezon City,  kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Michael Alfonso, nakatira sa room 211 Parc Condominium sa 15th Avenue, Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City.    

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-9:00 ng gabi ay katatapos lang na mag-gym ang biktima sa Anytime Fitness sa ikatlong palapag ng Cyberpark Building na matatagpuan sa Gen. Aguinaldo Ave. kanto ng Gen. Mc. Arthur, Araneta Center, Cubao.

Dahil sa tawag ng kalikasan ay nagtungo ito sa banyo at dahil umano sa  pagmamadali ay inakala nito na pinto ng banyo ang nabuksan kundi ito pala ay Hi Zone Emergency door ng elevator dahilan para ito ay bumulusok paibaba at namatay noon din.

Nakatakdang kasuhan ng pamilya ang pamunuan ng gusali sa kapabayaan nito dahil sa walang naka­lagay na signage ang nasabing elevator shaft dahilan para mahulog ang biktima.

vuukle comment

MICHAEL ALFONSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with