Naningil ng utang binayaran ng saksak, patay
MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on- arrival ang isang 47-anyos na lalaki matapos maubusan ng dugo nang saksakin ng isang lolo na sinisingil nito ng utang kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Ang nasawi ay kinilalang si Joel De Leon, na naubusan ng dugo nang masaksak ng suspek na si Romeo Regalado, 61-anyos sa binti.
Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-2:40 ng hapon ay sinisingil ng biktima ang suspek sa matagal na nitong utang na ikinairita ng huli.
Dito ay nagalit ang suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng patalim ang biktima at tinangkang saksakin ang una.
Nagbuno ang dalawa hanggang sa maagaw ng suspek ang patalim at nasaksak sa kanang binti ang biktima.
Ilang kapitbahay ang sumaklolo sa biktima at dinala sa ospital, subalit hindi ito umabot ng buhay matapos maubusan ng dugo.
- Latest