^

Police Metro

Pulis-Makati patay sa ambush

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang pulis-Makati nang siya ay pagbabarilin ng riding in tandem suspek habang minamaneho ang kanyang kotse kahapon ng umaga sa Malate, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa St. Claire Hospital ay nakilalang si SPO3 Reynaldo Jimenez, 54, nakatalaga sa Warrant & Subpoena Section ng Makati Police District at residente ng no. 313 Manapat St., Dominga, Pasay City.

Hindi naman naplakahan ang kulay pulang motorsiklo ng dalawang suspek na kapwa nakasuot ng helmet at face mask.

Sa inisyal bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas-8:19 ng umaga sa panulukan ng Zobel Roxas at Arellano Sts., Malate ay minamaneho nito ang kanyang kulay itim na Honda Civic (TNM-143) galing sa kanyang kaanak nang ito ay pagbabarilin ng  mga suspek.

Sa impormasyon sa  source, ang suspek umano ay nasa talaan ng high value target na kung saan ang biktima ay dati umanong nakatalaga sa Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Pasay City Police at makailang ulit na umanong ‘lumutang’ sa mga naaarestong may kaugnayan sa ilegal na droga.

vuukle comment

REYNALDO JIMENEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with