^

Police Metro

“Good” ng Gabinete, ikinasiya ng Malacañang

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ikinasiya ng Palasyo ang resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan nakakuha ng “good” sa ikaapat na quarter ng 2018 ang Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magsisilbing ins­pirasyon para sa Gabinete ang nakuha nilang magandang rating at tiyak  na mas pagbubutihin pa nila ang kanilang trabaho.

Tiniyak din ni Panelo na mas magtatrabaho nang mabuti ang administrasyong Duterte sa nalalabing mga taon ng panunungkulan ng Pangulo.

Sinabi ni Panelo na palaging ipinapaalala ni Duterte sa kanila na sila ay nasa puwesto upang maglingkod at walang lugar ang katamaran sa nalalabing tatlong taon at kalahati ng administrasyon.

Hinikayat din ng Pa­ngulo ang mga mamamayan na isantabi na ang mga iringan at magtulungan na lamang para sa pag-unlad ng bansa.

Ang Gabinete ay nakakuha ng +35 satisfaction rating noong Disyembre 2018, ang pinakamataas na rating noong nakaraang taon. Mas mataas ito ng tatlong puntos kumpara sa +32 sa­tisfaction rating na isinagawa noong Set­yembre.

vuukle comment

GABINETE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with