^

Police Metro

Pinoy couple nalunod sa Maldives

Lordeth Bonilla - Pang-masa
Pinoy couple nalunod sa Maldives
Ayon kay Mhapolle, kapatid ni Leomer na iyon ang pangarap ng kapatid na makapunta sa nasabing paraiso na kung saan ay doon din siya nasawi.
Google Maps

Sa araw ng honeymoon...

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masaya sanang pagha-honeymoon ng bagong kasal na sina Leomer at Erika Joyce Lagradilla matapos na sila ay malunod sa Maldives kamakailan.

Kapwa nurse ang bagong mag-asawa na ikinasal noong Disyembre 18, 2018 at nitong ­Enero 11 sila ay nagtungo sa Maldives, isa sa kanilang bucket list ng mga pupuntahang lugar kasabay na rin ng kanilang ho­neymoon.

Ayon kay Mhapolle, kapatid ni Leomer na iyon ang pangarap ng kapatid na makapunta sa nasabing paraiso na kung saan ay doon din siya nasawi.

Patuloy pang inaalam ng pamilya ang eksaktong araw at detalye kung paano namatay ang mag-asawa.

Iniulat noong Linggo ng RaajjeMV, isang local news agency na isang mag-asawa ang nalunod sa Dhiffushi island ng Kaafu na bagama’t nasagip ay idineklara ang mga ito na dead-on-arrival sa ospital.

Sa ulat na natanggap ng Department of Foreign Affairs na ang insidente ay nangyari habang ang mag-asawa ay sumisisid.

Nagpaabot ang DFA ng pakikiramay at sim­patiya sa pamilya ng mag-asawang nasawi.

Batay sa isang source mula sa isla na unang nalunod ang lalaki at humingi ng tulong ang babae, subalit nang sila ay saklolohan sa gitna ng dagat ay kapwa wala nang malay ang mga ito.

Ang Philippine Embassy sa Dhaka, na may hurisdikyon sa Maldives, ay inatasan na makipagtulungan sa mga otoridad doon upang maayos ang pagpapauwi ng labi ng mag-asawa sa Pilipinas.

Humihingi naman ng tulong ang pamilya ng bagong kasal sa kanilang kaibigan para makakolekta ng P634,000 sa bawat isa upang maiuwi sa Pilipinas ang labi ng mag-asawa.

vuukle comment

HONEYMOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with