Dating Kalihim ng DoH kinasuhan ng perjury
MANILA, Philippines — Kinasuhan ng isang Singapore-based investment firm si dating Department of Health Sec. Dr. Alfredo Bengzon nang perjury dahil sa pilit umanong ipinapalabas nito na siya pa rin ang Chief Executive Officer ng The Medical City gayung mayroon nang bagong CEO.
Ayon sa isinampang kaso ng investment firm na Viva Holding Pte. Ltd. na nahalal na si Dr. Eugenio Ramos bilang bagong CEO nang magkaroon ng special shareholders meeting ang mga may-ari ng ospital noong Setyembre nitong nakaraang taon.
Nakalagay sa reklamo na nawalan na umano ng tiwala ang mga shareholders ng ospital makaraang malugi umano nang mahigit P11 bilyong piso bunga ng overpriced na magpapatayo ng ospital sa Guam ngunit gumastos diumano ng mahigit P21 bilyon si Bengzon kasama ng kanyang daughter-in-law na si Margaret.
- Latest