Malakas mamulutan, niratrat
MANILA, Philippines — Nasa malubhang kalagayan ang isang 39-anyos na magsasaka nang ito ay ratratin ng isang kaanak na nainis umano dahil malakas kumain ng pulutan habang sila ay nag-iinuman sa Brgy. Bantay, Solana, Cagayan.
Ang biktima na inoobserbahan sa ospital dahil sa tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Rodolfo Dela Cruz. Habang tumakas ang kaanak na si Johnny Dela Peñas, 47.
Bago ang pamamaril ay magkasamang nag-iinuman sina Dela Cruz at Dela Peña sa binyagan ng isang George Abig.
Dito ay sinita ng suspek ang biktima na malakas itong mamulutan na naging dahilan para mapikon ang huli na nauwi sa suntukan.
Umuwi si Dela Cruz upang gamutin ang mga natamong bukol, subalit sinundan ito ni Dela Peña at pinagbabaril bago tumakas.
- Latest

















