9 bayan sa ARMM nasa election hotspots-PNP
MANILA, Philippines — Siyam na bayan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang itinuring ng Philippine National Police (PNPP) na nasa election hotspots.
Kabilang sa mga nasa listahan ang Hadji Mohammad Ajul; Lantawan; Tipo-tipo, kapwa sa Basilan; Marawi City; Sultan Dumalondong, kapwa sa Lanao del Sur; Mamasapano; at Shariff Aguak, sa Maguindanao; Shariff Saydona Mustapha at Datu Unsay.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde na ang nasabing mga lugar ay may presensya ng iba’t ibang armadong grupo at gagawa muna sila ng weekly assessment para kung hihiling nila sa ilagay ito sa control ng Commission on Elections.
- Latest















