^

Police Metro

SUV nahulog mula sa 3rd floor parking space ng mall

Mer Layson - Pang-masa
SUV nahulog mula sa 3rd floor parking space ng mall
Ang itim na ­Toyota ­Innova na nahulog mula sa ikatlong palapag ng parking area ng isang mall sa San Juan City kahapon na ikinasugat ng driver nito.
Non Alquitran

MANILA, Philippines — Isang 83-anyos na biyenan ni Senator Grace Poe-Llamanzares ang nasugatan matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng parking space ng isang shopping mall ang minamaneho nitong sport utility vehicle (SUV) kahapon ng umaga sa Greenhills, San Juan City.

Ginagamot ngayon sa Cardinal Santos Medical Center ang biktima si Dr. Teodoro Paraiso Llamanzares, residente ng Nevada St., Northeast Greenhills, San Juan City.

Sa ulat ng pulisya,bago naganap ang aksidente dakong alas-9:45 ng umaga sa aksidente sa third level ng Parking 4, na matatagpuan sa harapan ng Greenhills shopping mall, Promenade, Barangay Greenhills ay sakay ang biktima ng itim na Toyota Innova (AHA-8024).

Paparada pa lamang sana nang bigla na lang umarangkada ang sasakyan nito, hanggang sa tuluyang lumusot sa bakal na railing ng parking space at nahulog sa kalsada sa harapan ng mall.

Unang tumama ang unahang bahagi ng sasakyan saka ito tumihaya at nagkayupi-yupi.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng San Juan Police Community Precinct 1 (PCP-1) at management ng mall at isinugod sa pagamutan ang biktima.

vuukle comment

SPORT UTILITY VEHICLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with