^

Police Metro

Don Bagatsing magbibigay ng pabuya para madakip ang isang ginang na nambugbog sa 2 bata

Pang-masa
Don Bagatsing magbibigay ng pabuya para madakip ang isang ginang na nambugbog sa 2 bata
Ayon kay Bagatsing, walang puso si Ubaldo at marapat na managot sa batas sa oras na maaresto dahil sa kanyang pana­nakal pamimilipit ng mga braso at pananampal sa dalawang batang naglalaro sa kalsada sa Maynila.

MANILA, Philippines — Nagalit si Don Bagatsing nang mapanood ang nag-viral na video sa social media tungkol sa pambubugbog at pananakit ng isang babae sa dalawang batang paslit.

Kaya’t nais nitong magbigay ng P20,000 na pabuya sa sino mang makakadakip at dalhin sa kanya ang suspek na nakilalang si Christine Joyce Ubaldo na taga Sta. Ana na may warrant of arrest na.

Ayon kay Bagatsing, walang puso si Ubaldo at marapat na managot sa batas sa oras na maaresto dahil sa kanyang pana­nakal pamimilipit ng mga braso at pananampal sa dalawang batang naglalaro sa kalsada sa Maynila.

Makikita sa video na habang sinasakal ni ­Ubaldo ay umiiyak na ang unang bata pero sa halip na tumigil sa kanyang pana­nakit ay sinampal pa niya ito. Sumaklolo ang ikalawang bata, subalit maging siya ay sinaktan ng suspek.

Habang nag-iiyak ang dalawang bata na edad 4-anyos at 5-anyos dahil sa sakit ay may pinulot ang suspek at ibinato sa mga una.

vuukle comment

DON BAGATSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with