^

Police Metro

Solon na nag-viral sa FB ang pagwawala sa NAIA, kakasuhan

Lordeth Bonilla - Pang-masa
Solon na nag-viral sa FB ang pagwawala sa NAIA, kakasuhan
Ayon kay Usec. Arturo Evangelista, administrator ng Office for Transportation Security, nakataas ang security condition sa mga paliparan sa bansa na ibig sabihin ay ipinatutupad ang polisiya nang pagtatanggal ng sapatos.
Rep. John Bertiz/Facebook

MANILA, Philippines — Posibleng kasuhan si Acts OFW Partylist Rep.John Bertiz kung sakaling mapatunayang may nilabag sa airport protocol ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o Crime of Resistance and Disobedience to a Person in Authority.

Nag-viral ang video sa social media ni Bertiz nang harasin nito ang isang airport security  nang  ipatanggal sa kanya ang sapatos.

Ayon kay Usec. Arturo Evangelista, administrator ng Office for Transportation Security, nakataas ang security condition sa mga paliparan sa bansa na  ibig sabihin ay ipinatutupad ang polisiya nang pagtatanggal ng sapatos.

“Kung ayaw mong magpatanggal, ayaw mong magpa-search, okay lang.Pero ‘wag kang sumakay.Kasi nasa kontrata yan dun sa 6235. With the airline.Nung bumili ka ng ticket, nakalagay yan doon” paliwanag ni Usec Evangelista.

Depensa naman ni Bertiz na bago siya dumaan ay may mga Chinese national na may mga kasamang escort ang pinalusot.

“Ni-review ko po yung sinasabi niya, 30 minutes before dun sa incident, walang ganung insidente. Initially ha” ayon kay Evangelista.

Gayunman sinabi ni Usec. Evangelista, iniimbestigahan na rin ang screening security officer na sangkot sa insidente.

JOHN BERTIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with