^

Police Metro

Lalaki sa Ireland, nakagawa ng 78 longganisa sa loob ng 1 minuto

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG magkakakatay sa Ireland ang nagawang makapasok sa 2019 na edisyon ng Guinness Book of World Records.

Ito’y matapos makagawa ang 37-anyos na si Barry Crowe ng halos 80 piraso ng longganisa sa loob ng 60 segundo.

Inalok si Crowe na subukan ang pagsungkit sa world record na naitala ng isang tagakatay mula United Kingdom na nakagawa ng 60 piraso ng sausages o longganisa sa loob ng isang minuto.

Hindi naman inurungan ni Crowe ang hamon lalo na’t magtatatlong dekada na ang karanasan niya sa paggawa ng longganisa.

Ayon Kay Crowe ay walong taon pa lamang daw siya nang magsimula siya sa paggawa ng longganisa at simula noon ay hindi lumipas ang isang linggo na hindi siya nakakagawa ng mga ito.

Kaya naman sanay na sanay na raw siya sa paggawa ng longganisa, na kayang-kaya niya kahit pa raw siya ay nakapikit pa.

Hindi naman makapaniwala si Crowe na makakasama siya sa Guinness World Records lalo na’t mabenta ang kanilang publikasyon saan mang sulok ng mundo.

Mas nakakabilib pa ang nakamit na tagumpay ni Crowe dahil isa lamang siya sa dalawang taga-Ireland na pasok sa 2019 edition ng Guinness Book of World Records.

GUINNESS BOOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with