^

Police Metro

Planta ng kuryente na itatayo suportado ng Atimonanin

Pang-masa

MANILA, Philippines — Suportado ng ilang residente ng Atimonan ang planong pagtatayo ng planta ng kuryente sa kanilang lugar na may kapasidad na 1,200MW.

Ayon sa presidente ng Municipal Agriculture and Fisheries Council na si Demosthenes Hernandez na nagtungo ang kanilang grupo kahapon sa tanggapan ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chair Agnes Devanadera at maging Atimonan One Energy (A1E) upang ipakita ang kanilang suporta sa planong planta na itatayo.

Naniniwala sila na sa pamamagitan ng kanilang isinagawang rally ay makikita ng mga commissioner ang kahalagahan ng nasabing proyekto.

Nagpaabot din ng pasasalamat sa Department of Energy (DOE) si Hernandez kay Sec. Alfonso Cusi dahil sa pagbibigay ng DOE ng Certificate of Energy Project of National Significance (EPNS) sa Atimonan One Energy bilang pagkilala sa kahalagahan ng nasabing proyekto.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng DOE ng EPNS ay inaasahang maglalabas na rin ng desisyon ang ERC sa loob ng tatlumpung araw sa ilalim ng Executive Order no. 30 na pinirmahan ni  Pangulong Duterte na nagbigay daan upang mas mapabilis ang proseso para sa mga proyektong kagaya ng sa A1E.

AGNES DEVANADERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with