Tokhang ops vs 1K na narco cops
MANILA, Philippines — Nakatakdang itokhang ang nasa mahigit 1,000 police scalawags na umano’y nagsisilbing protektor ng droga at sangkot sa illegal drug trade.
Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde na walang sinasanto ang PNP maging pulitiko man, mga ordinaryong sibilyan at higit silang mahigpit kung pulis ang sangkot sa drug trade.
“Yung mga kababayan nga natin na nasa watchlist lang tino-tokhang natin, what can’t we do it to our police personnel also. Sabi nga natin wala tayong sinasanto dito whether you are a policeman, ordinary civilian or politician”, wika ni Albayalde.
Ayon pa kay Albayalde na walang masama kung pati mga pulis ay isailalim sa surveillance sa pagbibigay ng proteksiyon sa illegal na droga ay isama na rin sa ito-tokhang kaugnay ng puspusang internal cleansing ng PNP.
Tiniyak ni Albayalde na walang magiging paglabag sa karapatang pantao sa isasagawang pag-tokhang sa mga pulis na sangkot sa droga maging protektor man ang mga ito.
“Kung wala talaga tayong makuha pero merong indications kumbaga ang ginagawa natin sa mga ito as a preventive measure is we relieve from their regions and we reassign them as far as Mindanao, kung taga Luzon siya yung taga Mindanao naman tinatanggal natin at ina-assign natin sa Luzon”, anang opisyal.
Nilinaw ni Albayalde na bagaman ire-report ng PNP ang bilang ng mga pulis na maisasailalim sa tokhang operations ay hindi muna isasapubliko ang pangalan ng mga ito habang patuloy ang masusing imbestigasyon.
- Latest