Nutrition program, ilalarga sa Siargao
MANILA, Philippines — Nakatakdang magsagawa ng programa ang lokal na pamahalaan ng Siargao upang maiwasan ang suliranin sa malnutrisyon sa mga kabataang naninirahan sa fishing villages sa pamamagitan nang malawakang programa sa pangkalusugan sa susunod na apat na buwan.
Sa pakikipagtulungan ng United States-based charitable organization ‘Risen Savior Missions’, ipinahayag ni Surigao del Norte 1stDistrict Representative Francisco Jose “Bingo” Matugas na target ng programa na mabigyan ng masustansiyang pagkain ang may 2,960 kabataan mula sa 37 barangay at siyam na munisipyo ng Siargao.
Naisagawa na ang unang yugto ng programa nitong Marso na tinawag na “Himsog na Bata, Bagtik na Siagaonon” na naglalayong mapigilan ang tumataas na bilang nang mga batang nakakararanas ng gutom, kabilang ang mga nasa edad 2 hanggang 6.
- Latest