^

Police Metro

Utak sa mayor Bote slay, kilala na

Joy Cantos - Pang-masa
Utak sa mayor Bote slay, kilala na
Ayon kay Chief P/Director General Oscar Albayalde,natukoy nila ang mastermind matapos na ikanta ng dalawang nasakoteng gunmen na sina Florencio Suarez at Robert Gumacay na pawang mga hired killers.
Facebook/Mabuhay Papaya

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na tukoy na nila ang utak sa pananambang at pagkakapatay kay Gen. Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote noong Hulyo 3.

Ayon kay Chief P/Director General Oscar Albayalde,natukoy nila ang mastermind matapos na ikanta ng dalawang nasakoteng  gunmen na sina Florencio Suarez at Robert Gumacay na pawang mga hired killers.

Hindi muna nila papangalanan ang utak na kasalukuyang tinutugis ng mga otoridad.

Lumalabas din na hindi pulitika ang motibo ng pagpatay kay Mayor Bote kundi negosyo dahilan isa itong inhinyero at may construction at quarrying business.

Una nang sinabi ni Albayalde na apat hanggang limang suspek  ang sangkot sa ambush-slay kay Mayor Bote.

Magugunita na sina Suarez at Gumacay ay nasakote kamakalawa sa kahabaan ng  Andaya national highway, Brgy. Cabasag, Del Gallego, Camarines Sur matapos na maharang sa checkpoint ang sinasakyan nilang isang kulay beige na Toyota Avanza (PGQ 134) bandang alas- -9:30 ng umaga.

Nakumpiska sa mga ito ang isang cal 45 pistol at P 70,000 cash na pinaniniwalaang bahagi ng ibinayad ng mastermind upang paslangin si Mayor Bote.

vuukle comment

FERDINAND BOTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with