DOTr Asec, sinibak ni Duterte
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Mark Tolentino.
Sinibak si Asec. Tolentino dahil nakiusap umano ito sa isang kamag-anak ni Pangulong Duterte para sa isang proyekto.
Ang tinutukoy ni Sec. Roque ay ang mister ni Lovelie Sangkola na ex-wife ni dating Davao City Vice-Mayor Paulo Duterte.
Nagpapakilala itong kamag-anak ni Pangulong Duterte gayung wala naman itong koneksyon sa Pangulo.
Magugunita na inakusahan ni Asec. Tolentino kamakailan ang ilang opisyal ng DOTr ang nais kumuha ng foreign loan sa kabila na mayroong alokasyon na itong P36 bilyon sa ilalim ng 2018 budget.
Inakusahan naman ni Usec. Timothy Batan na ‘fake news’ ang mga sinasabi ni Tolentino na paninira sa DOtr.
Ang panukalang 2,000-kilometrong railway project sa Mindanao ay magkokonekta sa lungsod ng Davao, Zamboanga, Butuan, Surigaio, Cagayan de Oro, Iligan at General Santos City.
- Latest