Nanalong kagawad dedo sa ambush
MANILA, Philippines — Isang nanalong kagawad sa nakalipas ng barangay election ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo kahapon sa Mulanay, Quezon.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Felix Moldon, no.1 kagawad sa katatapos na Brgy. at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa kanilang lugar sa Brgy. Sto Niño, Mulanay ng lalawigan.
Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa dakong alas-8:45 ng umaga sa Brgy. Sta Rosa ay nakatayo ang biktima sa tabi ng highway nang bigla na lamang sumulpot sa lugar ang salarin na lulan ng motorsiklo at agad pinagbabaril.
Nang bumulagta ang biktima mabilis namang tumakas ang suspek.
Iniimbestigahan ng pulisya kung may kinalaman sa katatapos na halalan ang motibo nang pagpatay sa biktima.
- Latest