Kasong kriminal sa taxi drivers na tatanggi at mamimili ng pasahero
MANILA, Philippines — Gagawin na isa nang criminal offense ang pagpili at pagtanggi sa mga pasahero ng mga drivers ng Transportation Network Vehicle gaya ng Grab at mga taxi.
Ito ang ikinukunsidera at pinag-aaralan ni House Committee on Transportation Vice Chairman Edgar Mary Sarmiento, kung talagang dapat bang patawan ng parusang kriminal ang isang Grab driver o taxi driver na tumatanggi at namimili ng isasakay na pasahero.
Alam ng kongresista ang maraming problemang dumarating sa kanilang komite sa kabila ng ilang paghihigpit sa Grab.
Nasa unang pagdinig pa lamang sila ng komite sa pagre-review ng TNVs.
Layunin ng paglikha ng batas sa TNVs na maging compliant ang Grab at ang iba pang ride-hailing firm sa pagbibigay ng maayos na serbisyo at convenience sa mga pasahero.
- Latest