^

Police Metro

Miyembro ng killer for hire, tiklo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 37-anyos na mi­yembro ng killer for hire na pumapatay sa mga drug pusher na hindi nagreremit sa mga benta sa illegal drugs at top 2 most wanted person sa Maynila ang naaresto kamakalawa sa Ermita, Maynila. Sa ulat ni Chief Inspector Rosalino Ibay Jr., hepe ng MPD-District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU),nagsanib ang kanilang pwersa ng grupo ni C/Insp. Nino Lope Briones nang arestuhin ang wanted sa kasong murder na si Manuel Zamora  Murillo alyas “Joel”, may-asawa at residente ng St. Peter St., Tondo, Maynila. Magugunita na una nang nadakip si Murilllo noong Pebrero 8, 2017 sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Possession of Firearms and Ammunitions) at Batas Pambansa 6 (Illegal Possession of Bladed Weapon)  kasama ang iba pang suspek na sina Marco Morallos alyas “Naldo”, 30 at Alfredo Alejan Jr., 42, kapwa ng Temporary Hou­sing, Vitas, Tondo, Maynila, subalit nakapagpiyansa at nakalaya si Murillo.

Naglabas naman si Manila Regional Trial Court Presiding Judge Ma. Silverio Castillo ng Branch 48, ng warrant of arrest laban kay Murillo sa kasong murder na walang piyansa.

Kaya’t nagsagawa ng ilang linggong surveilance ang DPIOU at nang matunton ang kinaroroonan ni Murillo nitong Marso 21, 2018 dakong alas-2:30 ng hapon ay kanila itong nadakip sa panulukan ng Antonio Villegas panulukan ng Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Si Murillo ay naitala din bilang top 2 most wanted sa Maynila dahil sa mga kaso ng mga pagpatay ng kanyang grupo sa mga hindi nagreremit sa benta ng ilegal na droga.

vuukle comment

ROSALINO IBAY JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with