Ex-DPWH Sec. Singson, 20 pa inireklamo sa Ombudsman
MANILA, Philippines — Nagsampa ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) ng katiwalian laban sa dating kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Rogelio Singson, mga dati at kasalukuyang opisyal at kawani at iba pang pribadong indibidwal kaugnay sa kontrobersiyal na Road Right of Way (RROW) Project Scam sa General Santos City sa Office of the Ombudsman.
Inireklamo ng NBI ang paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Practices Act laban sa mga respondents matapos lumabas sa isinasagawang 6 na buwang pagsisiyasat ng pinagsanib na NBI-National capital Region at NBI-Central Mindanao Regional Office (CEMRO) Region 12 ang anomalya umano sa RROW.
Nag-ugat ang isyu sa liham na ipinadala ng isang Roberto Catapang sa Department of Justice na ibinunyag naman kaagad ni Sec. Vitaliano Aguirre ang RROW Project Scam sa Regions 12 at 13.
Inilagay na sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) si Catapang na una nang nagsabing siya ay dating miyembro ng sindikato na nakikipagsabwatan sa mga opisyal ng DPWH at empleyado na may kinalaman sa fabricated at fake documents na isinusumite kabilang ang Land Titles (TCT/OCT), Special Power of Attorney, Tax Declarations, Appraisal Reports at iba pa para sa RROW Project.
Natunton din na may mgakasabwat din sa Commission on Audits, City Assessor’s Office at Land Registration Authority .
Ang 7 mula sa 50 ng Disbursement Vouchers, natuklasana na ang 9 claims for compensation ng 7 claimants ay nabayaran ng buo sa halagang P255,549,000.00 subalit ang mga supporting document tulad ng ID ng Philhealth, Postal ID ng claimants, TCTs, Tax Declarations, City Appraisal Reports, City Treasurer’s Cert. on Real Property Tax Receipts at iba pa na naka-attach sa claims nang iberipika ay pawang mga peke.
- Latest