^

Police Metro

68-anyos lola, 3 pa, timbog sa P6-M droga

Mer Layson at Gemma Garcia - Pang-masa

Huli sa aktong ide-deliver…

MANILA, Philippines — Hindi na nagawang magmaang-maangan pa ng 68-anyos na lola at tatlo pang kasama nito matapos silang matimbog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ide-deliver sana nilang droga na nagkakahalaga ng P6-milyon, sa Naga City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PDEA Director, General Aaron Aquino ang mga nasakoteng suspek na sina Olivia Encinas, 68, ng San Pedro, Laguna; Rodi Gundo, 34, ng Tipas, Taguig City; Joel Saut, 35 at Alvin Andaya, 37, kapwa ng Amadeo, Cavite.

Ayon kay Dir. Aquino, ang apat ay nadakip dakong alas-8:00 ng gabi habang sakay ng isang taxi sa Al­meda Highway, Naga City.

Nakatanggap ng impormasyon ang PDEA na ibebenta sana ang nasabat na droga sa ilang paruk­yano ng apat sa Naga City kaya agad na nagsagawa ng operasyon makaraang matukoy ang sinasakyan ng mga ito.

Pinara ng mga awtoridad ang sinasakyan  ng apat at siniyasat ang kanilang mga dalang gamit at doon tumambad ang ilang plastic packs na naglalaman ng droga na tinatayang nagkakahalaga ng P6-milyon.

Nabatid naman mula sa PDEA-Camarines Sur, ang grupo ng mga suspek ang sinasabing isa sa malalaking supplier ng illegal na droga sa Bicol at Visayas Region

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang apat habang sila ay nananati­ling nakakulong sa PDEA detention facility.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with