^

Police Metro

Faeldon hindi pa lusot kay Digong

Ellen Fernando at Joy Cantos - Pang-masa
Faeldon hindi pa lusot kay Digong

Nanumpa sina Bureau of Custom Dep. Comm. Col. Neil Estrella, BOC Comm. Nicanor Faeldon, BOC Dep. Comm. Gerardo Gambala sa patuloy na pagdinig ng Committee on Ways and Means tungkol sa illegal drugs smuggling. Boy Santos

 

MANILA, Philippines - Matapos magbago ng timpla si Pangulong Rodrigo Duterte nang makaharap at makapulong ang mga ipinatawag na mambabatas ay hindi pa puwedeng magsaya si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ayon kay Senator Tito Sotto, matapos na makaharap ni Duterte ang mga senador at kongresista kaugnay sa kontrobersyal na pagkakalusot ng P6.4 bilyong illegal drugs sa Bureau of Customs (BOC), nag-iba ng desisyon ang Pangulo mula sa kanyang unang pahayag na hindi niya sisibakin sa puwesto si Faeldon.

Nang magawi sila sa usapin sa drug controversy ng BOC, sinabi ng Pangulo na hihintayin muna niya ang resulta ng imbestigasyon ng Kamara at Senado kaugnay sa pagkakalusot ng 604 kilong shabu mula China bago umano siya tuluyang gumawa ng panibagong aksyon.

Posibleng pagbasehan na umano ng Pangulo ang isusumiteng pinal na “committee report” ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nagsasagawa ng pagdinig hinggil sa P6.4 bilyong droga nasamsam sa raid sa warehouse sa Valenzuela kung tuluyan nang matatanggal sa BOC si Faeldon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with