^

Police Metro

Sunog sumiklab dahil sa naka-charge na cellphone

Ricky ­Tulipat - Associated Press

MANILA, Philippines -  Nasa P100,000 halaga ng ari-arian ang naabo nang masunog ang siyam na commercial establishment sanhi umano ng napabayaang naka-charge na cellphone sa Brgy.  Old Balara, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Quezon City Fire Marshal Supt. Manuel Manuel, ang sunog ay naganap sa may Calderon St., ng nabanggit na barangay, dakong alas- 3:22 ng madaling araw.

Partikular anyang nagsimula ang sunog sa isang industrial establishment na gumagawa ng muwebles kung saan base sa ilang kawani ay naiwan ang isang cellphone na naka-charge na pinaniniwalaang pumutok.

Dahil sa mga nakaimbak na combustible materials tulad ng varnish, pintura at thinner ay mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa tuluyang lamunin ang nasabing mga establisimento. Umabot naman sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang maapula ito dakong alas 4:15 ng madaling araw.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naturang sunog kung saan nasa siyam na pamilya ang naapektuhan.

Paalala naman ng kagawaran ng pamatay sunog na huwag basta-bastang mag-iiwan ng naka-charge na cellphone lalo na kung ito ay hindi naman ang mga ito compatible o nabibili lamang sa bangketa.

MANUEL MANUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with