NGCP tower sa Muntinlupa bumagsak sa sunog
MANILA, Philippines - Bumagsak ang tower transmission ng National Grid Corporation of the Philippines (NGP) matapos lumambot ang bakal nito sa naganap na sunog sa ilang barung-barong kung saan ito nakatayo sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.
Nagdulot din ito ng trapik sa mga motoristang bumabagtas sa South Luzon Expressway (SLEX).
Ayon kay Tess Navarro, chief ng Public Information Office (PIO) ng Muntinlupa City Hall, alas-8:48 ng umaga nang masunog ang ilang barung-barong malapit sa Alabang Viaduct Exit ng SLEX, Brgy. Alabang ng naturang lungsod.
Dahil sa sunog ay napinsala ang isang transmission tower ng NGCP (Biñan-Muntinlupa 230k volt line), na nakatayo sa bandang Northbound ng naturang lugar.
Humina ang pundasyon nito dahilan upang matumba ito at bandang alas-9:15 ng umaga nang dumating ang mga personnel ng NGCP para magsagawa ng inspection at i-check ang safety perimeter nito.
Tinatayang nasa 80 pamilya ang nawalan ng matitirhan kung kaya’t magkakaloob ng financial assistance ang tanggapan ang local ng pamahalaan.
- Latest