Ex-Cebu mayor, pinakakasuhan ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Dahil umano sa illegal na pagtanggap ng honorarium mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay pinakakasuhan ng graft ng tanggapan ng Ombudsman si dating Sibonga Cebu Lionel Bacaltos ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019).
Sa resolusyon, noong 2012 ay nag-sponsor ang PhilHealth ng health care program na naglalaan ng honorarium para sa municipal health office personnel na may kabuuang P280,197.00.
February 2015, isinama ni Bacaltos ang sarili sa talaan ng mga tatanggap ng honorarium kahit hindi siya miyembro ng municipal health office.
Ayon sa Ombudsman, si Bacaltos ay hindi maaaring mag-claim ng honoraria dahil hindi naman siya bahagi ng non-health professional/staff ng health facility dahilan sa ang sinasabing mga non-health professional staff ay yaong mga non-health professionals/staff ng health facility na nagkakaloob ng health services.
- Latest