^

Police Metro

Kolehiyala, nabuntis nagbigti

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi umano nakayanan ng isang 18-anyos na kolehiyala ang sinapit na kahihiyan na binuntis at inabandona ng nobyo kung kaya’t nagawa nitong tapusin ang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti kamakalawa sa Brgy. 2, Malaybalay City, Bukidnon.

Ang nasawi ay kinila­lang si Jessame Macalintal, 2nd year college student sa Bukidnon State University at residente ng Brgy. Gata, Wao, Lanao del  Sur.

Batay sa ulat, bandang alas-12:30 ng tanghali nang madiskubreng nakabigti ang biktima sa bintana ng banyo  ng Pendatum boar­ding house ng boardmate nitong si Abigail Alajar.

Ayon sa imbestigasyon, bago ang pagpapatiwakal ng dalaga ay naipagtapat nito sa kaniyang pinsan at boardmates na wala siyang mukhang ihaharap sa kaniyang mga magulang  gayundin sa kanilang lugar matapos na mabuntis.

 Sinasabing tinakasan ng kaniyang boyfriend ang dalaga na ayaw panagutan ang sanggol na dinadala sa kaniyang sinapupunan at ilang araw na umanong itong tulala hanggang sa kitilin ang kaniyang sariling buhay.

vuukle comment

KOLEHIYALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with