^

Police Metro

4 miyembro ng ‘rent-tangay’ natimbog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nabuwag ng pulisya ang carnapping group na ang modus ay rumenta ng sasakyan at pagkatapos ay tatangayin matapos na maaresto ang apat na suspek sa isang entrapment operation sa Caloocan City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Catherson Culi, may alyas na “Katkat at Duterte”, 40, ng Block 4, Lot 6, Silvercrest Subdivision, Habay-1, Bacoor, Cavite; Arnulfo Cuyo, 49, ng Marbella Tower 1, Roxas Blvd., Pasay City; Freddie Delizo, 41, ng No. 41 Pine Crest 2, New Port City, Pasay City; at Jeany Mendiola, 29, tubong Cotabato City.

Nabatid na noong ­Enero 23 ay nakipagtransaksyon si Mendiola, sa biktimang si Darius Rodrigo, 37, transport service operator at umarkila ng isang sasakyan para ihatid siya mula Baguio hanggang airport. 

Nagkita ang dalawa sa isang fastfood store sa Guiguinto, Bulacan ngunit hindi naipaarkila ang Toyota Grandia dahil sa number coding at sa halip ay ipinahatid na lamang ni Rodrigo si Mendiola sa kanyang driver  na si Romie Trinidad sa Maynila sakay ng personal niyang Mitsubishi Montero Sport (AAB 4646).

Pagdating sa Monumento ay ipinarada sa isang botika at inutusan ni Mendiola si Trinidad na bilhan siya ng gamot sa sakit sa ulo na sinunod naman ng huli ngunit pagbalik niya sa parking area ay nawawala na ang kanyang sasakyan.

Nang rebisahan ng pulisya ang kuha ng CCTV sa lugar, nakita na may ilang suspek na pumasok sa sasakyan at itinakas ito. 

Nagpatuloy naman ang transaksyon nina Rodrigo at Mendiola kung saan nanghihingi ng pera ang huli para magbigay ng impormasyon ukol sa mga taong tumangay ng sasakyan. 

Nang magbigay ng Smart Pera Padala account ang suspek, dito natukoy ang lugar at nagkasa ng entrapment operation ang mga pulis sa may Seaside, Baclaran, Pasay City noong Pebrero 3 na nagresulta sa pagkakadakip kay Mendiola.

Kinabukasan ng Pebrero 4, nakatanggap ng tawag si Rodrigo buhat sa isang nagpakilalang Duterte at nais umarkila ng sasakyan kaya’t ikinasa muli ang panibagong entrapment operation ng Caloocan City Police sa isang fastfood store sa EDSA-Monumento  na nagresulta sa pagkakadakip ni Culi, alyas Duterte; at dalawang kasabwat.

Nabatid na si Culi ang lider ng kanilang grupo at target ang mga “car-for-rent” na kung saan ay isinanla ang Montero ni Rodrigo sa halagang P230,000 sa isang alyas “Alex”, isang financier sa casino sa Tayuman, Maynila.

RENT-TANGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with