^

Police Metro

NPC nagpasalamat kay Andanar

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa pagsusumikap upang maging katotohanan ang inaasam na Freedom of Information (FOI) at Presidential Task Force on Media Security para sa kapakanan ng mga mamamahayag ay labis na nagpapasalamat ang National Press Club (NPC) kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar.

Ito ang sinabi ni NPC president Paul Gutierrez, napakahalaga para sa sector ng mamamahayag ang dalawang mahala­gang aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang bahagi pa lamang ng kanyang termino ng lagdaan nito ang Executive Order no. 2 noong July 2016 at Administrative Order no. 1 noong October 2016.

“EO No. 2, for the first time, mandated the entire executive branch of the government to give freedom to all Filipinos, not only to the members of the press, to get information previously being withheld from them, except those involving national security. AO No. 1 on the other hand, created the Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) focused mainly in protec­ting all members of the Fourth Estate. Let us give credit where credit is due,” giit pa ng NPC president.

Wika pa ni Gutierrez, dahil sa pagsisikap at pagpupursige ni Sec. Andanar ay nakumbinsi nito si Pa­ngulong Duterte at buong Gabinete upang aprubahan at suportahan ang EO no. 2 sa FOI at AO no. 1 para sa pagbuo ng TF on Media Security.

vuukle comment

PAUL GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with