^

Police Metro

Rody bibisita sa Russia

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakatakdang bumisita sa susunod na taon sina Pa­ngulong Rodrigo Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna ng pahayag ng una na nais niyang makipagalyansa sa Russia dahilan iniidolo umano niya si Russian President Vladimir Putin.

Sinabi ni Lorenzana na maaaring isagawa nila ang pagbisita sa Abril o Mayo 2017 kapag hindi na gaanong malamig ang klima sa Russia.

“Ang visit ng presidente, tinitignan ng Department of Foreign Affairs (DFA) something like April or somewhere May pag mainit na kasi napakalamig ngayon doon (With regards to the visit of the president, the Department of Foreign Affairs (DFA) is looking either April or May when the weather is hot because its currently very cold there),” pahayag ni Lorenzana.

Makakasama rin nila ni Pangulong Duterte sa pagbisita sa Russia si Department of Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na naglalayong  mapatatag ang relasyon at makipag-alyansang military sa nasabing bansa.

Sinabi nito na plano ng Russia na magbenta ng drones at submarine sa Pilipinas pero masyadong mahal ang mga submarine.

Kaugnay nito, nakatakda namang bumisita sa bansa ang dalawang barkong pandigma ng Russian Navy para sa 5 day goodwill visit nito sa bansa sa Enero 2017.

Sinabi ni Navy Captain Lued Lincuna, Director ng Naval Public Affairs Office na ang Russian Navy vessels Admiral Tributs, isang malaking anti-submarine ship at ang Boris Butoma, isang malaking sea tanker na pinamumunuan ng Deputy Commander ng Flotilla of Pacific Fleet ay darating sa Pier 15, South Harbor, Manila mula Enero 2 hanggang Enero 7, 2017.

RUSSIAN PRESIDENT VLADIMIR PUTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with