^

Police Metro

3 dedo sa drug war at

Mer Layson, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong drug personalities ang nasawi makaraang umanong manlaban sa mga operatiba sa magkahiwalay na anti-drug operation sa Quezon City at Pasig City.

Kinilala ang mga nasawi sa QC na sina Joel Cabasus, 33 at Ruel Faron, pawang residente ng Brgy. Payatas.

Nabatid na magsasagawa ng search warrant ang pulisya sa bahay ni Cabasus sa Kalamyong St.,subalit habang paparating ang mga operatiba ay  naispatan sila ni  Faron na nagsilbing look-out dahilan para maalarma ito at magtatakbo patungo sa bahay ng una dahilan para habulin siya ng mga pulis.

Nagsisigaw si Faron ng “Joel may mga Pulis” at pumasok sa loob ng bahay ni Cabusas saka kapwa nagbunot sila ng kanilang mga baril at pinaputukan ang mga operatiba na nagresulta sa palitan ng putok hanggang sa sila ay mapatay.

Sa Pasig City ay napatay naman ang isang lalaki na sinasabing drug pusher nang manlaban umano sa mga pulis sa isinagawang buy bust operation sa Pasig City, kahapon ng mada?ing araw.

Ang napatay ay kinilalang si Rodrigo Tuliao, nasa hustong gulang na nakatira sa Sitio Buli Creek, Brgy. San Miguel, Pasig City.

Nabatid na dakong alas-2:10 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ?aban kay Tuliao at nagkunwaring bibili ng droga si PO1 Ryan Christopher Mationg.

Pero natunugan ng suspek na ang kanyang ka-transaksiyon ay pulis kaya binunot nito ang kanyang baril saka pinaputukan ang pulis pero hindi tinamaan.

Gumanti ng putok ang pulis at ?inamaan sa katawan si Tuliao na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 38 baril na may bala, 1,000 mark money at pitong sachet ng hinihinalang ipinagbabawal na gamot.

DEDO SA DRUG WAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with