Ronnie itinanggi na may sex video sila ni Leila
MANILA, Philippines - Sa pagdinig kahapon sa Kamara ay tinanong ni Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil kung mayroong silang sex videos ng kanyang lover na si Senator Leila De Lima.
Itinanggi ni Dayan ang sex videos at wala umanong katotohanan at kung mayroon man ay hindi ito galing sa kanyang cellphone.
Matatandaan na mula nang maungkat ang relasyong De Lima at Dayan ay naglabas ang ulat na mayroong sex videos ang dalawa.
Sa salaysay naman ni Joenel Sanchez sa kanyang pagtestigo noon sa Justice Committee, sinabi nito na mayroon umanong dalawang sex videos sina De Lima at Dayan: ang isa ay nasa banyo habang ang ikalawa ay may “BJ” pa umano.
Una na ring itinanggi ni De Lima na mayroon silang sex videos ni Dayan.
- Latest