60-anyos preso natigok sa selda
MANILA, Philippines – Dahil sa siksikan sa selda sa rami ng nakakulong ay namatay ang isang 60-anyos na preso matapos atakehin sa puso sa loob ng selda ng Manila Police District-Station 1-Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Ernesto Solon, may kasong theft at may 10 araw pa lamang na nakapiit, residente ng no. 89 Helping Complex St., Tondo, Maynila.
Sa ulat, dakong alas-4:33 ng hapon ay nakaramdam nang panghihina at pagsisikip ng dibdib ang biktima sa loob ng piitan ng Raxabago (MPD-Station 1) kaya’t agad itong dinala sa nasabing ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.
Tanging pigsa lamang sa katawan ang nakita sa katawan ng biktima at walang anumang indikasyon na sinaktan o pinahirapan.
Nabatid na siksikan at mainit ang piitan kaya nagkaroon ng mga pigsa ang biktima na posibleng dahilan din kaya inatake ng sakit sa puso ang biktima na noong Oktubre 5 lamang ikinulong sa reklamong pagnanakaw.
- Latest