Mt. Bulusan nagbuga ng usok
MANILA, Philippines - Nag-alboroto kahapon ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa Bicol Region makaraang kakitaan ng pagbubuga ng usok na may 2 kilometro ang taas ganap na alas 11:35 ng umaga kahapon.
Ayon kay Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang naturang aktibidad ay “phreatic” kayat kulay grey na usok ang naibuga ng naturang bulkan .
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang bulkan ng 113 volcanic quakes.
Patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng mga residente doon sa loob ng 4-kilometer danger zone.
Pinayuhan din ni Solidum na mag-ingat ang mga residente ng Cogon at Irosin gayundin ang mga taga puting Sapa Village sa bayan ng Juban dahil sa inaasahang epekto dito ng ashfall.
- Latest