12 nanalong Senador naiprinoklama na
MANILA, Philippines - Iprinoklama na kahapon ang 12 na nanalong Senador sa nakaraang May 9, 2016 elections sa Philippine International Convention Center (PICC).
Limang baguhang mukha ang uupo sa Senado na makakasama ng mga re-electionist sa pangunguna ni Senator elect at Senate President Frank Drilon na nakakuha ng pinakamataas na boto na 18,607,391; dating TESDA Director Joel Villanueva-18,459,222; Sen.Vicente Sotto III-17,200,371; dating Sens. Panfilo Lacson-16,926,152; at Richard Gordon-16,719,322; Juan Miguel Zubiri- 16,119,165; Sarangani Rep. Manny Pacquiao-16,050,546; dating Sen. Francis Pangilinan-15,955,949;dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros-15,915,213;Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian-14,953,768 Senate President Pro-tempore Ralph Recto-14,271,868; at dating Justice Sec. Leila de Lima (LP)-14,144,070.
Ang proklamasyon ay itinuloy ng Comelec sa kabila ng pagtutol ni dating MMDA chairperson Francis Tolentino, na nasa ika 13 puwesto batay sa official count. Pinapatigil ni Tolentino sa Supreme Court ang proclamation ng mga kandidato na nasa ika 10, 11 at 12 bunsod umano ng “data manipulation”
- Latest