^

Police Metro

Pinas dinagsa ng US warship

Joy Cantos at Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos mapagtibay na ng Korte Suprema ang legalidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at kaugnay ng nalalapit na pagdaraos ng PH-US Balikatan joint military exercises sa susunod na buwan ay patuloy ang pagdagsa ng mga barkong pandigma ng Estados Unidos sa Pilipinas. 

Sa isang press statement ng US Embassy, dumaong na rin sa Manila Bay kamakalawa ang USS Russel (DDG 59), ang Arleigh Burke-Class guided missile destroyer  ng US Navy.

Ayon sa US Embassy ang pagdaong sa Manila Bay ng isa na naman nilang guided missile destroyer ay bahagi ng routine visit nito, maintenance at pamama­hinga ng mga crew ng nasabing barkong pandigma.

 “The USS Russell is making its way back to its homeport in San Diego, California after a highly successful deployment to the U.S. Fifth Fleet’s Area of Responsibility”, anang US Embassy sa isang press statement.

Samantalang nilalayon din ng pagdaong ng USS Russel sa Pilipinas ay upang mapatatag pa ang alyansa sa pagitan ng US Navy ng counterpart ng mga ito sa Philippine Navy at maging sa mamamayan ng Pilipinas.

Magugunita na sa loob lamang ng buwang kasalukuyan bukod sa USS Russel ay dalawang barkong pandigma na kinabibila­ngan ng USS Blue Ridge at USS Antietam ang una nang dumaong sa Manila Bay at isang US Submarine o ang USS Charlotte sa Subic Bay, Zambales.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with