250 poll machines depektibo
MANILA, Philippines – Nadiskubre ng Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic na may 250 na depektibong vote counting machines mula sa bansang Taiwan na dinala dito sa Pilipinas.
Ayon sa kinatawan ng Smartmatic, bagama’t minor issues lang ito, tiniyak nilang hindi na maisasama ang mga iyon sa gagamitin sa eleksyon hangga’t hindi ganap na naaayos ang mga nasilip na diperensya.
Sinabi naman ni Comelec Chairman Andres Bautista, ang pagkakatuklas ng mga may aberyang makina ay bunga ng maagap na pagsusuri dito ng service provider at Comelec technical team.
Sa ngayon,nasa 71,456 vote counting machines na ang nakalagak sa Comelec warehouse sa Sta. Rosa, Laguna mula sa manufacturing area ng Smartmatic sa Taiwan.
Kabuuang 90,000 ang kinakailangang makina para sa darating na halalan at inaasahang makokompleto ito sa mga susunod na araw.
Naglaa ng P68 milyon para sa renta ng napakalaking warehouse.
- Latest