^

Police Metro

Tserman, mag-ama tinodas

Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang tatlong katao kabilang ang isang barangay chairman, kagawad at anak nitong 14-anyos nang sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin kamakalawa sa San Jacinto,  Ticao Island, Masbate.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Brgy. Bartolabac Chairman Rey Encabo, 39; Kagawad Robert Almodiel Sr., 44; at anak nitong si Jay Almodiel, 14.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa mga biktima dakong alas-8:30 ng gabi sa gate ng bahay ni Encabo ay masayang nag-iinuman sina Encabo at matandang Almodiel habang si Jay ay naghihintay sa labas ng gate.

Matapos ang inuman ay nagpaalam na ang matandang Almodiel na uuwi na siya dahil ang anak niya na si Jay ay kanina pa naghihintay sa kanya sa gate. 

Habang inihatid  sa gate ni Encabo ang matandang Almodiel ay sumulpot ang mga salarin at pinagbabaril ang mga una na kung saan ay tinamaan ng ligaw na bala si Jay. Tinutugis na ang mga suspek na pinaniniwalaang kagrupo ng armadong may kagagawan sa serye ng paglikida sa mga barangay officials dito.Wala pang nilalabas na pahayag ang pulisya rito kung may kaugnayan sa politika ganung nalaman na ang nasawing kapitan at kagawad ay mga kila­lang kaalyado ng isang tumatakbo pagkagobernador sa lalawigan.- Joy Cantos, Francis Elevado-

vuukle comment

ALMODIEL

ANG

BARTOLABAC CHAIRMAN REY ENCABO

ENCABO

FRANCIS ELEVADO

JAY ALMODIEL

JOY CANTOS

KAGAWAD ROBERT ALMODIEL SR.

MGA

SAN JACINTO

TICAO ISLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with