Oil tanker nagliyab: 7 utas
MANILA, Philippines – Pito-katao kabilang ang mag-asawa at anak ang namatay matapos suyurin ng oil tanker ang tatlong kabahayan sa binisinad ng Barangay Lale sa bayan ng Pinabacdao, Samar, kahapon ng umaga.
Kabilang sa mga namatay ay ang mag-asawang sina Michael Buenavides, 20; Maryjoy Buenavides,18; anak nilang 6-buwang gulang; at si Angela Buenavides Baludo na mga nakatira sa nasabing barangay.
Patay din ang driver ng truck at dalawang pahinante na kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan.
Hindi naman nabatid ang bilang ng mga nasugatan sa naganap na insidente.
Sa police report ng Samar Provincial PNP Office, sinasabing nawalan ng preno ang truck kaya nahulog sa kaliwang bahagi ng kalsada saka inararo ang tatlong bahay kung saan tulog ang pamilya Buenavides sa kanilang bahay.
Nagliyab pa ang truck kaya nadamay ang tatlong kabahayan habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest