US walang nilabag sa Konstitusyon - Malacañang
MANILA, Philippines – Inihayag ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr.,na walang nilabag sa Konstitusyon ang naging partisipasyon ng Estados Unidos sa pagtulong sa pagpapatupad ng Oplan Exodus upang arestuhin ang international terrorist na si Marwan.
Ito ay batay sa isiniwalat ni dating SAF chief Getulio Napeñas na kasama nila sa pagplano ng Oplan Exodus ang ilang miyembro ng US Central Intelligence Agency (CIA) sa Joint Special Operations Task Force.
Sa salaysay ni Napeñas na tumulong ang CIA sa intelligence support on real time,training, equipment, humanitarian at medical evacuation at imbestigasyon sa DNA test ng daliri ni Marwan na nasa most wanted terrorist list ng US dahil sa sangkot ito sa Bali bombing na may patong na $5 milyon.
Ayon kay Coloma, sang-ayon sa EDCA at VFA ang partisipasyon ng US elements dahil sa anti-terrorism campaign.
- Latest