SC diniskwalipika ang 17 partylist group
MANILA, Philippines – Sumang-ayon ang Supreme Court (SC) sa naging desisyon ng Comelec na nagdi-disqualify sa 17 partylist group na nais lumahok sa darating na halalan.
Batay sa resolusyon ng Korte Suprema, walang naging pag-abuso sa kapangyarihan ang panig ng poll body nang ibasura ang certificate of candidacy ng ilang partylist organizations.
Kabilang sa mga ibinasura ang CoC ng mga sumusunod na grupo ay ang ABAKAP, AKAP, ADVANCE, LINGAP BALEN, SULONG KATUTUBO, ENGINEER, PARTNERS, 1-APTO, PPP, ANG CKD, AAM, WACCAA, ANG SIGURO INC, UWAP, 1-LAMBAT, Witness for Transparent and Equitable Society at Ating Aral Regional Sectoral Party of the Women and Youth Sector.
- Latest