^

Police Metro

Guro todas, 32 sugatan sa truck

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi noon din ang isang babaeng guro habang 32 ang nasugatan nang aksidenteng bumaliktad ang sinasakyan nilang Elf truck kamakalawa sa highway ng Kibungan, Benguet.

Ang nasawi dahil sa tinamong sugat sa ulo matapos maipit ng truck ay kinilalang si Julieta Danio, 55.

Habang dinala sa Benguet genral Hospital ang 32 sugatang biktima na ang 27 ay mga batang mag-aaral dahil sa maselang kalagayan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-9:50 ng umaga ay minamaneho ni Jetson Cayad-an ang Elf truck (UJV-464) at binabagtas ang kahabaan ng Brgy. Palina, Kibungan, Benguet at dito ay lulan ng truck ang helper ng driver, tatlong guro at 27 estudyante sa Grade IV at Grade VI ng Kibungan Elementary School na ihahatid sana sa Scout Jamboree sa bayan ng Bakun nang mawalan ito ng kontrol sa manibela at dalawang beses bumaliktad ang truck.

vuukle comment

ANG

BAKUN

BATAY

BENGUET

BRGY

HABANG

JETSON CAYAD

JULIETA DANIO

KIBUNGAN

KIBUNGAN ELEMENTARY SCHOOL

SCOUT JAMBOREE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with