B-day boy nasawi sa sunog
MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na estudyante ang nasawi sa suppocation matapos matagpuan sa banyo ng nasunog nilang bahay kahapon ng umaga sa Marikina City.
Kinilala ang biktimang si Salvador Aller, ng Chorillo St., Barangay Barangka, Marikina City.
Batay sa ulat bago nangyari ang sunog, dakong alas-6:45 ng umaga ay ipinagdiwang ng biktima ang kanyang kaarawan kamakalawa na kung saan ay nag-inuman sila ng kanyang mga bisita at inumaga na natapos ang selebrasyon.
Agad na natulog ang biktima sa sobrang puyat na kung saan ay biglang nagkasunog kaya’t ginising at kinatok ito ng kanyang mga kasama ang silid nito.
Naalimpungatan ito at sa halip na lumabas ng bahay ay sa banyo ito napunta at doon na nasawi dahil sa mga usok na nalanghap nito.
Sa inisyal na imbestigayon, sinasabing mula sa nag-over heat na electric fan ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa kabuuang bahay ng pamilyang Aller at nadamay pa ang 10 pamilya na umabot sa ikatlong alarma na idineklarang fireout dakong alas-7:55 ng umaga.
- Latest