25 mangingisda inaresto sa Indonesia
MANILA, Philippines – Tinatayang nasa 25 mangingisda buhat sa Surigao City ang ikinulong sa bansang Indonesia matapos na arestuhin sa kasong illegal fishing.
Batay sa ulat ni Brgy. Sabang Chairwoman Josselyn Mantilla ng nasabing lungsod na 15 ay kanyang mga constituents habang ang 10 ay taga-Barangay San Juan base na rin sa pagkumpirma ni Barangay Chairman Monina Caluna.
Ang mga naarestong mangingisda ay kinilalang sina Rodrigo Puno, kapitan ng bangka; Jarewel Perjesa, machinist; at crew members na sina Cristobal Ilagan; Romeo Edradan; Edgar Gecozo, Ronald Buniel; Richard Cabero; Ruel Astronomo; Junnie Calundre; Joseph Calundre; Teresito Macabasag; Ronel Escultor; Roel Cabating; Alan Gucela; Jaime Govalanie; Homer Etac; Mansueto Abrao; Teodoro Dayagro Jr.; Rolly Cabating; Rolando Bornea; Leopoldo Dadivas Jr.; Efren Escultor; Nelson Arsaga; Jose Perjes at Max Gucela.
Sa salaysay ni Mantilla, ang nasabing mga mangingisda ay sakay ng MB RGJ Fishing na umalis ng Surigao City noon pang Nobyembre 25, 2015 at naaresto noong Disyembre 7, 2015 ng mga nagpatrulyang coast guard ng Sorong City, West Papua province sa nasabing bansa.
Wala umanong maipakitang permit sa pangingisda sa karagatang sakop ng Indonesia ang mga Pinoy at wala ring travel document kaya’t dinakip ang mga ito na kasalukuyang nakadetine sa Ministry of Marine Affairs and Fisheries.
Nagsasagawa nang koordinasyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-Caraga), PNP Maritime-13, Philippine Coast Guard at MARINA kaugnay nang nasabing report.
- Latest