Viral video ng indiscriminate firing siyasatin - PNP Chief
MANILA, Philippines – Pinakilos na ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez ang PNP Anti-Cyber Crime Group para maparusahan ang mga pasaway na sibilyan na nagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon na naging viral sa Facebook.
Sa 39 minutong video ay mapapanood ang dalawang lalaki na walang habas na nagpapaputok ng matataas na kalibre ng armas sa harapan ng publiko.
“We will run after you and file cases against you,We will be able to identify, yung mga naka-post sa social media have been forwarded to our Anti–Cybercrime Group, tinitingnan natin and we will trace them kung sino sila at saan nangyari yun”, ani Marquez.
Una nang hinikayat ng PNP ang netizen na kunan ng larawan at video saka iposte sa social networking site ang mga pasaway na personalidad na masasangkot sa indiscriminate firing upang magsilbi itong ebidensya sa pagsasampa ng kasong kriminal.
Nabatid na facebook page na ini-upload ng isang Even Demata hinggil sa mga kalalakihang walang habas na nagpapaputok ng baril. Gayunman hindi nasabi sa video kung kailan eto kinunan at saan nangyari ang insidente.
Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan na ng Anti-Cybercrime Group ang video upang mabatid kung tunay ito para masampahan ng kasong alarm and scandal at kung may tinamaan at namatay ay reckless imprudence resulting to homicide.
- Latest