^

Police Metro

David naghain ng petisyon kay Duterte

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naghain kahapon ng bagong petisyon sa Commission on Elections (Comelec) si Rizalito David na  kumukuwestyon sa legalidad ng kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagkapangulo.

Si David ay siya ring naghain ng disqualification case laban kay Senador Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal o SET.

Sa siyam na pahinang petisyon, hiniling ni David na ideklara ng Comelec na ang substitution ni Duterte kay Martin Dino bilang pambato sa pagkapangulo ng Partido PDP-Laban ay walang bisa at dapat lamang umano na makansela ang COC ni Duterte.

Malinaw anya na ang COC ni Duterte ay inihain lagpas na ang deadline para sa pagsusumite ng COC na itinakda nuong October 16, 2015.

Idinagdag pa ni David na ang ginawang pag-atras ni Dino sa kanyang kandidatura ay pagpapaikot sa Comelec Rules of Procedure.

 

vuukle comment

COMELEC

COMELEC RULES OF PROCEDURE

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DINO

DUTERTE

IDINAGDAG

MARTIN DINO

RIZALITO DAVID

SENADOR GRACE POE

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SI DAVID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with