^

Police Metro

Katawan ng pinugutang Malaysian hostage narekober

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Halos isang buwan ang nakalipas bago narekober noong Lunes ng gabi ang katawan ng pinugutan ng ulong si Malaysian hostage Bernard Ghen Ted Fen na naagnas na sa kagubatan ng Parang, Sulu.

Ayon kay Brig Gen. Allan Arrojado, Commander ng Joint Task Group (JTG) Sulu, ang hinihinalang katawan ng biktimang si Bernard Ghen Ted Fen ay nahukay ng pinagsanib na tropa ng 9th Intelligence Service Unit at Army’s 501st Infantry Brigade (IB)  dakong alas-10:00 ng gabi sa Sitio Lungon-Lungon, Brgy. Lanao Dakula, Parang ng lalawigan.

Magugunita na si Fen ay pinugutan ng ulo noong Nobyembre 17, 2015 sa kasagsagan ng  ginaganap na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015 sa Maynila at kinabukasan ay narekober ang pugot nitong ulo na nakalagay sa isang sako na inabandona sa Walled City, Jolo, Sulu.

Sinasabing pinugutan ng kaniyang mga abductors  sa ilalim ng pamumuno nina Abu Sayyaf  Sub Commander Alhabsy Misaya at Idang Susukan matapos na umano’y mabigo na maibigay ang balanseng P60M sa kabuuang P100M ransom na hinihingi kapalit ng pagpapalaya sa dalawang Malaysian.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ALLAN ARROJADO

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BERNARD GHEN TED FEN

BRIG GEN

IDANG SUSUKAN

INFANTRY BRIGADE

INTELLIGENCE SERVICE UNIT

JOINT TASK GROUP

LANAO DAKULA

SITIO LUNGON-LUNGON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with