^

Police Metro

Babaeng kagawad pisak sa bus

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang babaeng barangay kagawad nang ito ay masagasaan ng isang pampasaherong bus kamakalawa sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Eleonor Labro, 58, may-asawa, barangay kagawad sa Iloilo  at pansamantalang nanunuluyan sa Blk.149, Lot 33, Contreras St., Sitio Central, Upper Bicutan, Taguig City.

Nasa kostudya na ng pulisya ang suspek na si Primitivo Ortiz, 54, may-asawa, driver ng Altro Transport Bus (TYR-684), tubong Surigao Del Norte at naninirahan sa Blk. 27, Lot 29, California St., North 1, Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite.

Batay sa ulat, dakong alas-6:20 ng gabi ay kabababa lang ng biktima sa isang pampasaherong bus sa kahabaan ng EDSA tapat ng  Five Star Bus Terminal, Brgy. E. Rodriguez, Cubao nang hindi nito napansin ang mabilis na pagdating ng Altro Transport Bus na minamaneho ng suspek at nasalpok.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nagtamo ng matin­ding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na dinala ng mga MMDA Rescue Team sa East Avenue Medical Center (EAMC), subalit idineklara itong dead-on-arrival.

 

vuukle comment

ALTRO TRANSPORT BUS

BRGY

CALIFORNIA ST.

CONTRERAS ST.

CUBAO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ELEONOR LABRO

FIVE STAR BUS TERMINAL

PRIMITIVO ORTIZ

QUEZON CITY

RESCUE TEAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with