Binay: Balikbayan box tax-free hanggang P150-K
MANILA, Philippines – Nais ni Vice President Jejomar C. Binay na gawing tax free ang balikbayan box na bitbit o pinadadala ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na may halagang P150,000.
Ayon kay Binay na kasalukuyan ay nasa P10,000 lang ang tax free sa mga balikbayan box na hindi na ngayon napapanahon dahil ito ay umiral pa noong 1978 na ang palitan ng $1 dolyar sa piso ay P7.37.
“Kunwari may umuwing OFW at may dalang bagong laptop para sa anak niya. Wala naman sigurong de-kalidad at brand new na laptop o computer na P10,000 lang ang presyo. Kaya doon pa lang sa laptop, ubos na ‘yong exemption niya,” wika ni Binay.
Sinabi ni Binay na ang pagtaas ng tax ceiling ay isa lamang na token ng pasasalamat sa mga OFWs sa milyong dolyares na ipinadadala nila sa bansa.
“Latest figures show that remittances from January to August of this year have already reached $17.9 billion, at buwan pa lang ng Agosto na ang remittances mula sa OFWs ay umaabot na sa $2.3 bilyon” dagdag ni Binay.
Umaasa si Binay na ang proposed Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), kung saan ay kasama ang provisions ng raising the tax ceilings para sa balikbayan boxes ay maging ganap na batas bago matapos ang 16th Congress.
Kung sakali na hindi maipasa ang CMTA, ay nangako si Binay na ito ang kanyang magiging prayoridad kapag nanalong pangulo sa 2016.
Sa version ng Senado at House sa CMTA ay itataas sa P150,000 ang taxable value ng balikbayan boxes na bitbit o ipinadadala ng OFWs na may pribilehiyo hanggang tatlong beses sa loob ng isang taon.
Subalit, dapat naglalaman lang ang balikbayan boxes ng personal at pangangailangan sa bahay at hindi para ibenta o inegosyo.
Balikbayan boxes became a hot topic in August after the BoC triggered an uproar among OFW groups when it announced plans to randomly inspect boxes.
- Latest