Mag-asawa magkayakap hanggang sa kamatayan
MANILA, Philippines – Hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay ay ipinakita ng isang mag-asawang matanda ang kanilang wagas na pag-ibig matapos matagpuang magkayakap nang makulong sa nasunog nilang bahay kahapon ng madaling araw sa Barangay Sumilang, Pasig City.
Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina Boy at Lourdes Santos, kapwa 68 at residente ng Rodriguez Compound, 633 Dakila St., Barangay Sumilang ng lungsod.
Batay sa ulat ng Pasig City Fire Department, dakong alas-1:05 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa bahay ng mag-asawa na ayon sa mga otoridad ay posibleng naiwanang nakasinding kandila ang pinagmulan ng sunog.
Umabot lamang sa unang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-2:46 ng madaling araw.
Nang magsagawa ng mopping operation ay natagpuan ng mga bumbero ang bangkay ng mag-asawa na magkayakap.
- Latest